12
Dennis
By

Max Collins mahinhin sa harap ni Dennis

Sharing is caring!

“Refreshing siya para sa akin,” ang sabi ni Dennis tungkol sa karakter niya sa The One That Got Away.

“First time ko na magkaroon ng tatlong leading ladies. Lahat sila seryoso sa mga trabaho nila. Si Rhian, para siyang cool chick, one of the boys. Mahilig siya sa mga bagay na magugustuhan ng mga lalake. Nagre-race car siya.

“Si Lovi naman, siya ‘yung seryosong aktres talaga. Para sa akin, sa mga madrama na eksena, siya ‘yung stand out. Magaling siyang umarte,” ang description kay Lovi ni Dennis na nagulat nang malaman nito na intimidated sa kanya ang anak ni Fernando Poe, Jr.“Ganoon ba? Ako rin naman, intimidated sa kanila. Ang feeling ko, healthy ‘yung ganoon na nararamdaman mo sa co-actor mo dahil ibig sabihin, nandoon ‘yung respect mo. Gusto mong pantayan kung ano ‘yung capacity ng co-actors mo.

“Si Max, kung titingnan mo, parang ang hirap niyang lapitan dahil sa mestiza features niya. Parang mataray pero kapag nakausap mo, malumanay magsalita, mahinhin so nakakatuwa na iba’t iba ang personality ng leading ladies ko.

“Lahat sila, okey na kasama. Enjoy sila kapag nasa set. Parang naglalaro lang,” ang sabi ni Dennis tungkol sa mga aktres na kapareha niya sa The One That Got Away.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?