186

Dec 23, 2017 @ 18:01
By

Max ayaw gamitin ang apelyido ni Pancho

Bilang Christian sina Max Collins at Pancho Magno, sinunod nila ang sinasabi ng simbahan na kasal muna bago ang pagsasama.

“Two years ago na-baptize kami. So, ini-encourage ng church na if you are in love and then engaged kayo…dapat married muna kayo. That’s why we really decided to go through with it. Kasi kung wala kaming values na ganu’n, hindi namin ipu-push kasi puwede naman naming gawing separate career na kami pa rin na live in kami. But we still want our relationship to be blessed by God.

“We really decided to create a family…not meaning having babies agad, but we want to be one family,” sabi pa ni Max.

Bahagi rin ng adjustment ni Max ay ang pagdala ng apelyido ni Pancho. Nagpaalam na raw siya kay Pancho na Max Collins pa rin ang gamitin niya, dahil parang ang machong-macho naman daw ng dating kung Max Magno na ang pangalan niya bilang artista. Kaya Max Collins pa rin ang screen name niya.

Kapag medyo maluwag na raw ang schedule nila, gusto pa rin ng bagong kasal na ituloy ang kanilang honeymoon sa Italy. Baka magpapalipas daw muna ng isang taon bago sila magka-baby at magpundar ng sarili nilang tahanan.

“Gusto niya na sana talaga kumuha ng place, but sabi ko huwag muna kasi we want to settle muna bilang mag-asawa saka maghahanap kami ng malipatan,” saad ni Max.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?