18

Sep 12, 2021 @ 9:39
By

Mavy Legaspi ‘lalayasan’ pamilya

Muling lilisanin ni Mavy Legaspi ang kanyang pamilya.

May lock in taping nanaman kasi siya na magtatagal sa mas mahabang panahon.

“This time no crying,” anang aktres sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang family selfie nila.

“2nd lock-in for Kuya.”

Wala pa man ding 3 araw ay miss na umano ni Carmina ang kanyang unica hijo.

“Take care my son. Stay safe always. We love you and we miss you already.”

https://www.instagram.com/stories/cassy/2660261837983424963/

“Round 2: Mavy leaving his heart in Sorsogon again. See you in a month brother bear!!” caption naman ng kakambal niyang si CAssy sa kanyang IG story.

Una nang sumailalim sa lock-in taping si Mavy noong Hulyo para sa upcoming series ng Kapuso na “I Left My Heart In Sorsogon” na siyang pagbibidahan nina Heart Evangelista, Paolo Contis, Richard Yap at kanyang umanoy special someone na si Kyline Alcantara,

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?