75

Nov 26, 2017 @ 16:28

Maute ‘stragglers’ sa Marawi, naubos na – Task Force Ranao

Wala na umanong natitirang miyembro ng Maute sa Marawi City ayon kay Colonel Romeo Brawner Jr., deputy commander ng Task Force Ranao..

“Maute mukhang wala na, ‘yun na lang bomba,” pahayag ni Brawner.

Mahigit sa 77 na mga aramas din ang nabawi ng military sapul nang tapusin ang combat operations noong Oktubre 23.

Samantala, sinabi ni Brawner na posibleng sa April 18 ay nalinis na ng militar ang lahat ng bomba sa Marawi.

Sa ngayon ay 24 barangay na idineklarang safe sa kamay ng mga terorista subalit makakabalik lamang ang mga residente kapag natapos na ang clearing operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?