65
arrested
Mar 15, 2019 @ 15:02
By

Maute member na sumali sa Marawi siege, kulong panghabambuhay

Isa pang akusado sa nangyaring pag-atake sa Marawi City noong 2017 ang hinatulan ng guilty ng korte sa Taguig sa kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act 9851 o Philippine Act on Crimes against International Humanitarian Law.

Sa desisyon na ibinaba ngayong araw ng Taguig Regional Trial Court Branch 70, partikular na hinatulan ang akusadong si Junaid Awal na aktibo umanong myembro ng Maute-ISIS group.

Kasama umano ang akusado sa paglusob sa Marawi City.

Sinentensyahan siya ng hukuman ng reclusion perpetua o pagkabilanggo na hanggang 40 taon para sa kasong paglabag sa International Humanitarian Law, at hanggang 14 na taong pagkabilanggo para sa kasong rebelyon.

Binigyan ng bigat ng korte ang testimonya ng dalawa sa mga testigo ng prosekusyon na naging hostage ng limang buwan noong kasagsagan ng Marawi seige.

Nakita raw nila si Awal na kasamang nakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan.

Ginawa pa umanong sex slave ni Awal ang isa sa mga testigo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?