18

By

Maute-ISIS tuloy ang recruitment sa Lanao del Sur – AFP

Sharing is caring!

Nakikipag-ugnayan ang Armed Forces of the Philippines sa lokal na pamahalaan ng Lanao Del Sur at sa mismong mga residente sa nasabing lugar.

Ito ay matapos ang impormasyong may isinasagawang recruitment activities ang mga teroristang grupo sa mga nakatira sa paligid ng Lake Lanao.

Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col Romeo Brawner makakatulong aniya ang aksiyong ito upang mapigilan ang mga residente sa lugar na marecruit partikular na ang mga kabataan at maisama sa mga terroristic activities.

Sinabi naman ni AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero na sa ngayon nakatutok pa rin ang militar sa clearing operation sa Marawi paghahanda pa rin sa gagawing malawakang rehabilitasyon sa lungsod.

Magiging role na aniya ng militar dito ay ang panatilihin ang mahigpit na seguridad at peace and order sa Marawi city at tumulong sa rekonstruksyon ng mga gusali sa pamamagitan ng pagdadala ng engineering unit sa lungsod. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?