375

By

Mauna sa Spratly! De Lima ibabala sa kwitis ni Duterte

Nakatikim na naman ng banat mula kay Pangulong Rodrigo Duterte si detained senator Leila de Lima matapos magsalita at katigan ang pahayag ng ilang kritiko na maaaring ma-impeach ang Presidente dahil sa pagpayag na makapangisda ang Chinese sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo sa ambush interview sa kanya noong Huwebes ng gabi na nagmamarunong si de Lima sa halip na manahimik na lamang o kaya ay linisin ang sarili sa mga kinakaharap na kaso at kontrobersiya.

Hindi pa rin aniya siya tinitigilan ni de Lima sa mga atake nito kaya’t ibabala niya ito sa kwitis para mauna na sa Spratly islands, at isusunod ang kanya umano’ng lover na si Ronnie Dayan.

“Kung ano-anong pinag-isip nandoon sa presohan si De Lima. Kung ano na lang ang sinasabi, attack, ganon. Ikaw, itali kita ng kwitis na malaki, ikaw ang pasiritin ko doon sa Spratlys. I will order in Bulacan the greatest — the biggest kwitis that we can ever make. Itali kita, sindihan ko. Sige, mauna ka na doon,” anang Pangulo.

Hindi maitago ng Presidente ang inis niya kay de Lima at inungkat na naman ang kontrobersiya na video umano nito, kaya’t wala aniya itong karapatang magsalita na parang santa habang siya ay pinapalitaw na masama.

“You are an immoral woman exhibiting your sexual hunger tapos ganon ka magsalita. No, you do not have the moral right. Not even… Kaya kung ayaw mo pag-usapan ‘yan kasi sabi mo may mga anak ka, eh ‘yung… Do not tempt too much na ‘pag marunong ka. You keep quiet. You clear yourself, prove to us that hindi ikaw, si ano ‘yon, kung sino ‘yon kamukha mo lang. O baka ayaw mo lang sabihin may twin sister ka,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?