116

By

Maulap na kalangitan, asahan sa eleksiyon – PAGASA

Inaasahang maulap na kalangitan na may pag-ulan ang iiral sa bansa sa darating na eleksiyon sa Mayo 13.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mararamdaman ang papalapit na low pressure area sa Visayas at Mindanao.

Ngayong Sabado umano ay makakaranas ang bansa ng bahagyang maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan at thunderstorms, lalo na sa hapon at gabi partikular sa Cordillera Administrative Region.

Samantala, bago ang eleksiyon sa Mayo 12 at sa mismong eleksiyon, maaapektuhan ang Luzon, Visayas at Mindanao ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na siyang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?