7

Sep 17, 2020 @ 21:16
By

Maulang Pasko asahan – Pagasa

Magiging maulan ang holiday season dahil sa inaasahang pamumuo ng La Niña sa Oktubre.

“Developing pa lang ang La Niña (but) the La Niña condition is now establishing, meaning ‘pag natapos ang September, masa-satisfy na ang condition,” wika ni Ana Liza Solis, chief ng climate monitoring and prediction section ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

“(La Niña) impacts in the Philippines will be prominent in October as depicted in our rainfall forecasts,” dagdag niya.

Dalawa hanggang tatlong bagyo aniya ang mamumuo sa susunod na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?