108

Sep 10, 2020 @ 21:08
By

Maui Taylor binalikan ang ‘Torotot’

Maraming 80s and 90s kid ang tiyak makakaala sa pangalan ni Maui Taylor.

Sa kanyang vlog, binalikan ni Maui ang kanyang mga memorable movies na ginampanan, kung saan ilan dito ay hitik sa sex scenes.

Isa sa kanyang pinanood ay ang kanyang unang pagpapaseksi sa pelikula sa ‘Gamitan’ kasama si Wendell Ramos.

Dito binunyag ni Maui na sa lahat ng kanyang mga sexy scene, kasama ang kanyang ina sa set para masigurong hindi mata-take advantage ang aktres.

“To be honest bago ako pumasok ng room, sobrang kabadong kabado ako, at the same time, yung mommy ko nasa loob pinapanood ka,” sey ni Maui.

Isa pa sa binalikan ni Maui ay ang 2007 film na ‘Torotot’, kung saan sinabi niya na ‘tame’ na umano siya sa naturang pelikula.

Sakto sa pinanood ni Maui ay ang sex scene nila ng kanyang co-actor na si Andrew Schimmer, at biglang umentra ang karakter ni Baron Geisler na asawa ni Maui sa movie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?