107

By

Mau pabibo, F2 kampeon; hinakbangan ang Petron

Kinapitan ng F2 Logistics Cargo Movers si Filipino-American Tyler Marie Kalei Mau upang hablutin ang mahirap na five sets win, 25-22, 25-19, 17-25, 22-25, 15-12 laban sa Petron Blaze Spikers sa sudden-death finals ng 7th Philippine Superliga Invitational Conference 2019 kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Pang limang kampeonato na ito ng Cargo Movers sapul ng sumali sa liga nitong 2016.

Maagang pinaramdam ng Cargo Movers ang bangis kaya naman nakauna agad ng dalawang sets, pero natisod sa third at fourth frames kaya humaba pa ang bakbakan.

Nagsanib puwersa sina Cherry Ann Rondina, Aiza Maizo Pontillas, Bernadeth Pons at Denden Lazaro upang sikwatin ang sets 3 at 4 at makahirit ng deciding set.

Pagkakataon na tapusin ng Cargo Movers ang laban sa fourth set nang lumamang sa 19-17, pero humataw 4-1 run ang Blaze Spikers kaya naagaw sa kanilang ang bentahe, 20-21.

‘Di na pinakawalan ng Petron ang pagkakataon, tapos ang 22-All at humataw si Rondina ng isang kill at back-to-back spikes si Pontillas para mauna sila sa set point, 24-22 at tuluyan makuha ang panalo sa fourth frame.

Naging matatag ang Cargo Movers sa set five, bukod kay Mau, sinandalan din nila sina Majoy Baron at libero Dawn Macandili para makuha ang matamis na panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?