38

By

Mau, F2 aasinta ng semis kontra Cignal

Sakto ang pagbabalik laro ni Filipino-American Tyler Marie Kalei Mau dahil nahaharap ang F2 Logistics sa sudden-death semifinals sa 7th Philippine Superliga Invitational Conference 2019 sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Top seed sa Pool D ang Cargo Movers tangan ang 5-1 card, haharapin mamayang alas-5 ng hapon ang No. 2 sa Pool C Cignal HD.

“Having Kalei back is a big advantage for us,” saad ni F2 coach Ramil de Jesus, “Kalei gives us more options to executive our plays. She can score from all angles and her leadership inside the court was one of a kind.”

Kinalos ng F2 Logistics ang Sta. Lucia, 25-22, 25-15, 25-15 sa khuling laro sa eliminations, nagtala si Mau ng 11 points sa kanyang unang laro ngayong conference.

Tumapos din sa 5-1 record ang HD Spikers, sasandalan sina veterans Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga, Mylene Paat at Alohi Robins-Hardy.

Sa nakaraan All-Filipino Conference finals, pinayuko ng Cargo Movers ang HD Spikers.

“We fell short of winning the title last year so we will do everything to win this time,” hayag ni Cignal coach Edgar Barroga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?