28
views

By

Matthysse paldo na, ganado pa-Malaysia

Sharing is caring!

Larga na!

Naibigay na ang kabayaran kay WBA welterweight champion Lucas ‘La Maquina’ Matthysse para sa pagdepensa ng kanyang korona kontra Pinoy ring idol Manny Pacquiao sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa KL, Malaysia.

Kasunod nito, byahe na ang Team Matthysse bukas pa-Kuala Lumpur hanggang dumating ang fight day.

“We have a fight, everything’s great, everything’s perfect,” kumpirma ni Eric Gomez, presidente ng Golden Boy Promotions na may hawak kay Matthysse, kahapon sa ulat ng boxingscene.com. “They’re flying out tomorrow, we’re looking forward to it. Lucas is ready and he’s ready to defend his title against a legend.”

Dagdag ni Gomez, lalong ginanahan ang kanyang bata nang maibigay ang kanyang pera at excited na itong makipagbasagan ng mukha kay Pacquiao.

“The fights on – that’s the important thing – Lucas is very happy. It’s a dream for him to fight against Pacquiao. There were a few bumps in the lead up to the fight but everything’s been cleared up and we’re happy that the fights on and it’s going to happen. It’s going to be a great fight.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?