By

Matthysse pagrereteruhin si Pacquiao

Sharing is caring!

PAKAY ni reigning WBA welterweight titlist Lucas Matthysse na tuluyan nang pagreteruhin ang makakaduwelong eight-division champion Manny Pacquiao sa kanilang July 15 bout sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa pamamagitan ng knockout!

“Hopefully I can retire Manny Pacquiao, we are prepared for that, prepared to win,” ayon sa 36-anyos Argentinian fighter na nakatakdang bumisita sa bansa ngayong April 18 para opisyal na i-promote ang laban nila ng Pinoy ring idol.

Ayon pa dito, napakalaking karangalan at pagsubok ang makaharap ang isang Manny Pacquiao dahil magbubukas ito ng mas madami pang oportunidad sa kanyang karera.

Kung papalaring manaig kay Pacquiao, 39, puntirya nito ang rematch kay Danny Garcia, na tumalo sa kanya noong 2013 via unanimous decision.

“I know that winning opens the doors of heaven for the future, but now I’m only thinking about this fight. Either I lose everything or I gain everything, that’s the way it is. I am a world champion and he wants my belt; He chose me and I am the one who gives the OK to make the fight,” saad pa ni Matthysse sa panayam ng boxingscene.com.

Sa panig ni Pacquiao, sinimulan na rin nito ang unang phase ng kanyang ensayo sa pangunguna ng bagong head trainer niyang si Restituto “Buboy” Fernandez katulong si Raides “Nonoy” Neri,

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?