80

Jul 26, 2022 @ 20:54
By

Matthew Wright nagpakasal na

Ikinasal na ang PBA player na si Matthew Wright.

Ito ay batay sa kanya mismong mga Instagram story ngayong Martes.

Siya ay ikinasal sa kanyang partner na si Gabriela Moscoso. May isa na silang anak na nagngangalang Roman.

Huling lumaro para sa Phoenix Super LPG si Wright noong Hulyo 16 at lumipad pa-US. Ayon kay coach Topex Robinson, ito ay para ayusin ang kanyang kasal na ilang beses na-postpone dahil sa pandemya.

Ngunit pinangangambahan din na pagka-expire ng kontrata ni Wright sa Phoenix sa Agosto 31 ay hindi na ito mag-renew at maglaro na sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?