1,434
Matteo simpleng kasal lang ang gusto kay Sarah
May 23, 2019 @ 21:16
By

Matteo simpleng kasal lang ang gusto kay Sarah

Inamin ni Matteo Guidicelli na sa tagal na ng relasyon nila ni Sarah Geronimo, napapag-usapan na rin nila ang tungkol sa marriage.

Sa panayam sa kaniya ng showbiz columnist na si Ricky Lo, naitanong kay Matteo ang usap-usapan na engagement nila abroad ni Sarah.

“Secret. Hehehe!!!” sagot ni Matteo.

Pero aniya, napapag-usapan naman nila ang marriage.

“Of course, of course. Marriage has been a topic. We’ve been together for several years now,” saad ni Matteo.

Dagdag pa niya, simple at small wedding kasama ang kani-kanilang pamilya ang pangarap niyang kasal nila ni Sarah.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?