48

Feb 29, 2020 @ 14:48
By

Matteo, Sarah nilihim din ang kasal sa mga bossing ng Viva

Kahit ang mga top executive ng Viva Entertainment ay wala ring muwang sa wedding nila Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong February 20.

Ayon kay Viva Films executive Vincent del Rosario, maging siya ay hindi rin naabisuhan tungkol sa kasalan nina Matteo at Sarah.

“Hindi namin alam,” sey ni Vincent.

Kahit umano ang kanyang ama na si Viva Entertainment boss Vic del Rosario Jr. ay wala ding nasagap na balita tungkol sa kasalan, at na-inform lang sa mismong araw ng kasal.

“He was in a meeting in Podium when he was asked to come over,” saad pa.

Nagpe-prepare ngayon si Matteo para sa remake ng Penduko na target ipalabas sa Metro Manila Film Fest 2020.

Si Sarah naman ay wala pang pending project sa Viva, ngunit inaayos na umano nila ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?