27

Sep 18, 2020 @ 18:25
By

Matteo nasarapan sa cake ni Sarah

Sobrang proud si Matteo Guidicelli sa pagiging talented ng misis niyang si Sarah Geronimo.

Bukod kasi pagiging magaling na singer ay lumabas ang talent ni Sarah sa pagbi-bake.

Sa latest Instagram post ni Matteo, shinare niya ang isang cake na gawa ng Pop Princess.

“My wife’s lemon blueberry buttermilk cake will blow your mind,” caption ni Matteo, na nilagyan niya ng hashtag na #shesthebest.

 

Noong Hulyo ay pinasilip din ni Matteo ang Japanese souffle cheesecake na ginawa ng singer-actress.

Taong 2016 nag-aral si Sarah ng pagluluto sa Center for Asian Culinary Studies.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,