83

Mar 22, 2020 @ 19:55
By

Matteo nakalikom ng P4M para sa mga apektado ng quarantine

Nanguna si Matteo Guidicelli sa isang fund raising online event ngayong araw, para sa mga mahihirap na pamilyang naapektuhan ng community quarantine dahil sa coronavirus

Nakipag-collaborate ang aktor sa iba’t ibang artist, tulad nina Kean Cipriano, Gian Magdangal, Jed Madela, Jason Dy, Kyle Echarri at iba pang mga kasamahan sa entertainment industry.

Siyempre hindi nawala ang asawa nitong si Sarah Geronimo na nagkaroon pa ng duet kay Janine Tenoso para sa worship song na ‘Ocean’.

Sumuporta rin sa event sina Judy Ann Santos, Jericho Rosales, Kylie Verzosa at mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico. Nagpahayag sila ng kanilang mga nararamdam tungkol sa kasalukuyang pinagdadaanan ng bansa.

Matapos ang event, masayang binalita ni Matteo na nakakolekta sila ng higit P4 milyon para sa pondo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?