36

By

Matteo, nagpatakam sa seduction video; dedma sa nagsasabing ‘di sila bagay ni Sarah

Sharing is caring!

Muli na namang nagpatakam si Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram account nang mag-post siya ng tatlong video.

Ang unang video ay close-up muna sa mukha ni Matteo na parang nang-aakit, na sa paningin ng kanyang mga fans at followings ay napaka-guwapo ng actor-singer.

Ang sumunod nitong video ay naka-focus na ang camera sa kanyang dibdib at abs, na lalong nagpainit sa mga libido ng kanyang mga fans.

Putok na putok ang dibdib ni Matteo sa video at pati ang mga abs nito sa kanyang tiyan, bagay na lalong nagpalaway sa mga nababaliw sa kanyang kakisigan.

Ang ikatlong video ay naka-focus na sa harapan ni Matteo na nakasuot ng black jeans.

May intensyong pukawin ang pagnanasa ng mga IG followings ng actor-singer sa paraan ng pagpapalabas ng tatlong short video pero ayon kay Matteo sa caption nito sa tatlong video, may kinalaman ang seduction video na ito sa bagong produktong ineendorso niya.

Marami naman talaga ang na-excite sa mala-Adonis na kakisigan at ka-machohan ng Kapamilya star pero ilan ang pumupuna sa pagpapa-sexy nito na hindi raw bagay sa kasintahang si Sarah Geronimo na isang certified conservative.

Magkasalungat daw ang imahe nina Matteo at Sarah na hindi pinapaboran ng ilan nilang mga fans.

Well, sabi nga ni Matteo, hindi isyu sa kanilang dalawa ni Sarah ang kani-kanilang mga trabaho sa kanilang relasyon.

Deadma na lang si Matteo sa mga bashers niya tungkol sa kasintahang si Sarah. Ayon sa kanya sa mga interviews, ang importante ay nagkakaintindihan silang dalawa ni Sarah.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?