161

Mar 3, 2020 @ 18:48
By

Matteo kinumpirma ang grand church wedding kay Sarah

Matapos ang nangyaring gulo sa kanilang secret wedding, matutuloy pa rin kaya ang inaabangang grand wedding sa simbahan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?

Ito ang mainit na tanong ng karamihan ngayon matapos ang controversial wedding ng celebrity couple dahil sa diumano’y pagtutol ng ina ni Sarah na si Mommy Divine.

Makalipas ang ilang linggo, nakumpirma na tuloy pa rin ang grand wedding ng dalawa.

Nauna nang inanunsyo ng celebrity couple ang plano nilang pagpapakasal sa Italy.

Sa ambush interview ng showbiz reporter na si MJ Felipe kay Matteo sa isang parking lot, naitanong ang tungkol sa grand wedding.

Naka-post ang video sa YouTube channel ni Felipe.

Ayon kay Matteo, sobrang saya nila ni Sarah at malaki ang pasasalamat sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanila ng kanyang asawa.

“Matutuloy pa ba ang grand church wedding?” tanong ni Felipe kay Matteo.

“Of course, of course. One day, one day when everything settles down,” sagot ni Matteo.

Ayaw namang kumpirmahin ni Matteo ang mga espekulasyon na March o June ngayong 2020 ito mangyayari dahil secret daw ito.

Hindi pa rin daw sila nakakapag-honeymoon ni Sarah dahil kapwa sila busy sa kanilang trabaho.

Ipinakita naman ni Matteo ang kanyang suot na singsing nang hiritan na ipasilip ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?