39

Jul 25, 2021 @ 14:53

Matteo kay Sarah G: I love you forever

Mapapa-sana all na lang ang mga fan dahil sa matibay na relasyon nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Sa kaarawan ng pop star nitong Linggo, bumati si Matteo sa Instagram kung saan binahagi rin ng aktor ang kanilang larawan kasama ang kanyang misis.

“Happy birthday my wife! Blessed to be beside a strong, beautiful, powerful, superwoman!” sey ni Matteo.

“Thank you for all the love. I love you forever.”


Maraming fan naman ang kinilig sa sweet message ni Matteo kay Sarah.

Noong 2020 kinasal sina Sarah at Matteo sa isang secret wedding.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?