342

Feb 25, 2020 @ 19:20
By

Matteo hindi tanggap ng pamilya ni Sarah

Ikinuwento ng isang malapit na kaibigan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang pinagdaanan ng relasyon ng dalawa.

Sa ekslusibong panayam sa TV Patrol, sinabi ng counsellor nina Sarah at Matteo na si Letty Fuentes na ilang beses nang pinlano na magpakasal ng dalawa pero pinipigilan dahil hindi raw tanggap ng pamilya ng singer ang nobyo nito.

Nalaman lang daw ng pamilya ni Matteo ang planong secret wedding, isang araw bago ang kasal ng AshMatt.

“Matteo was crying. Matteo loves her so much. Sarah was so happy. I have never seen her so confident that day,” bahagi ng rebelasyon ni Fuentes.

Hindi rin daw civil wedding ang kasal nina Matteo at Sarah kundi Christian wedding sa Victory Church, The Fort noong Pebrero 20, 2020, ayon sa panayam ni showbiz reporter MJ Felipe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?