212

Jun 6, 2019 @ 18:04
By

Matteo hindi aatras sa scout ranger training

Habang ang iba ay tumutuligsa sa muling pagbuhay sa ROTC, tuloy naman ang aktor na si Matteo Guidicelli sa kaniyang Scout Ranger training sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan at wala umano siyang balak na umatras.

Kamakailan nang mai-promote pa ang 29-anyos na heartthrob mula Army Private tungong Second Lieutenant ng military reserve command matapos niyang lumahok sa mock rescue operation sa Philippine Military Academy.

Sa mga recent posts niya sa Instagram, makikita ang excitement niya sa pagbisita sa Zamboanga at Cotabato for the first time.

At dahil umano sa pagmamahal niya sa bansa ay hindi rin nagdalawang-isip si Matteo na magpakalbo.

“Rangers lead the way. No backing down,” ani Matteo sa caption.

View this post on Instagram

Rangers lead the way. No backing down. ?

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?