254

Jun 26, 2019 @ 22:24
By

Matteo Guidicelli sumabak na sa matinding training

Sumalang sa iba’t ibang challenging physical obstacles ang aktor na si Matteo Guidicelli bilang scout ranger sa Camp Tecson, sa San Miguel, Bulacan.

Sa Facebook post ng page na We Support AFP, binahagi ang ilang eksena sa matinding training na pinagdaanan ng boyfie ni Sarah Geronimo.

“Mateo Guidecelli stood up to all the challenges as he undergoes series of challenging physical obstacles while being timed with the aim of testing speed, endurance and agility. Challenge accepted,” saad sa post.

Nagpa-enlist si Matteo sa Philippine Army noong April 15 bilang reservist.

Nagsimula ang training niya bilang scout ranger noong May 27 na magtatapos sa July 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?