53

Feb 21, 2021 @ 21:33
By

Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo ipinagdiwang unang wedding anniversary

Isang taon na ang nakalipas noong isinagawa ang kontrobersiyal na kasalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na nagkaroon ng ‘divine intervention.’

Ibinahagi naman sa Instagram ni Guidicelli ang kanilang bagong ‘family photo.’

“Love, HAPPY 1st year anniversary!! Look at our family! ๐Ÿ™‚Thank you for bringing joy in our home, you are the reason why I smile when we wake up. You continue to inspire me everyday and I just love celebrating life with you. So proud of you my love! I love you forever. #proudhusband #blessed @justsarahgph,” saad sa post ng aktor.

Una nang sinabi ng ‘Popstar Royalty’ na masaya siya sa kanilang marriage ni Guidicelli.

“The marriage itself is a blessing, an opportunity to spend the rest of your life with your loved one. ‘Yung napili mo talaga na makasama sa buhay, partner in life,” anang singer.

“Challenging kasi sa situation ko, parang ito na ‘yung big leap ko papunta ng adulting. Sinasabi ko nga lagi, na-expedite. Masyado na ngang long-overdue but I guess ito talaga ang plano para sa akin, Rewarding siya dahil ‘yun nga kasama mo ang mahal mo sa buhay, tapos you have the freedom. You get to choose and decide for yourself, not just for yourself but for the both of you. You become one. As one na kayo,” dagdag pa niya.

Pebrero 20 ng nakaraang taon ikinasal ang dalawa sa isang Christian church sa Taguig City. (VAPA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?