580

Oct 20, 2017 @ 12:44

Matteo Guidicelli, muling magpapakita ng ‘bukol’ sa social media

Matutuwa at siguradong mai-excite ang mga beki na nag-iilusyon sa ‘bukol’ ni Matteo Guidicelli.

Nangako si Matteo na mauulit muli ang pagpo-pose niya sa Instagram account niya na isang skimpy trunks lang suot nito.

Nag-trending at nag-viral sa iba’t ibang entertainment at gay sites ang isang photo ni Matteo na nakasuot ng Hawaiian print skimpy trunks.

Sa nasabing larawan, kasama niya ang kanyang swimming coach na naka-trunks din.

Kuha ang photo sa training ni Matteo sa ilalim ng supervision ng nasabing teacher at basang-basa pa ang aktor na noo’y kakaahon lang mula sa pool.

Bagama’t printed ang trunks, ang bukol agad ng Kapamilya actor ang naging sentro ng maraming comments sa IG account nito.

Nagpiyesta, nagkaroon ng malisya at kinilig ang mga followers ni Matteo sa sari-sarili nilang mga deskripsyon sa ‘bukol’ ng aktor.

Nang mabanggit namin ito kay Matteo sa interview namin sa kanya bago pa sila sumalang sa presscon ng lalabas nilang suspense-horror movie ngayong November 1 under Star Cinema, ang “Ghost Bride” na pinagbibidahan ni Kim Chiu, natawa ang aktor nang maalala niya ang kapilyuhan niya sa pagpo-post ng sexy photo niya.

Sabi namin kay Matteo, aliw na aliw ang mga bakla sa trunks photo niya at umaasa ang mga itong musundan pa ang nasabing photo.

Sey ni Matteo, “Sige ulitin natin. Gusto mo next week?” sabay tawa nang malakas.

Balewala kay Matteo ang pagsusuot niya ng trunks dahil ito naman daw ang talagang sinusuot sa mga swimming trainings.

Kaya kung nag-photo opt siya nang naka-trunks, wala raw problema sa kanya lalo’t hindi naman daw palagi niyang sinusuot ang ganitong attire.

Oh, ayan mga bading, abangan n’yo na lang ang muling pagpu-post ni Matteo ng kanyang ‘bukol’ sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?