128

Jun 19, 2020 @ 15:42

Matteo aminado sa away kay Sarah

Wala raw conflict kung magkaiba man ang religious belief nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ito ang ipinaliwanag ng aktor sa kanyang panayam sa Fulltank Live interview with Brother Bo Sanchez kamakailan.

Si Sarah ay Christian and attending mass at Victory Church habang si Matteo naman ay Catholic at siyempre, sa simbahan siya talaga nagsisimba kaya natanong ang aktor kung paano ang kanilang Sunday arrangement.

“Sarah grew up also a Catholic,” ani Matteo, “but she really started enjoying Victory, especially the people she met there and she introduced me actually to Pastor Paulo.”

Tulad din daw ni Brother Bo who is a Catholic, ganu’n din daw si Pastor Paulo of Victory Church na binibigyan din sila ni Sarah ng wisdom, guidance at mga payo.

“I think, at the end of the day, we look up to one God, that’s the most important part there, and we have to be good people, we have to be positive people, not just for ourselves but for other people.

“At the end of the day, it’s what we share and how we share and how we help the community,” pahayag ni Matteo.

Natanong din ang aktor kung paano nagkaroon ng impact sa faith niya ang pagiging isang married man at aniya ay masuwerte raw sila ni Sarah na nasa gitna sila ng mga religious people tulad ng mga pastor at pari na nagbibigay sa kanilang mag-asawa ng guidance at mga payo.

“We seek help always, we give them phone calls and texts and ask for advice, because there are times that it’s difficult. I think, at the end of the day, we just have to take a moment and just pray,” he said.

Inamin naman ng aktor na may mga oras na nagkakaroon din sila ng argumento ni Sarah at pag ganu’n na raw ay nagdadasal na lang siya kay Lord na bigyan pa siya ng pasensiya.

When asked if how does he see the future with Sarah 5 or 10 yrs from now, ani Matteo, siyempre, sana ay may mga anak na sila at may little Matteo and liitle Sarah na tumatakbo-takbo sa bahay.

Jennylyn diniin ang mga manyak

Nagbigay na rin ng kanyang stand si Jennylyn Mercado tungkol sa rape culture na ilang araw nang pinag-uusapan ngayon.

Ayon kay Jen in her recent Facebook post, mali raw na sisihin pa ang biktima ng rape dahil sa galaw or suot nito. Aniya ay masyadong backward daw ang ganitong pag-iisip.

“Nakaugalian na ng ibang tao sisihin ang isang rape victim. Kasalanan daw nila dahil sa galaw o suot nila.

“Pasensya na po, but this thinking is backwards.

“Rape exists because of rapists,” ang pahayag ni Jen.

Ayon pa sa Kapuso Ultimate Star, walang kahit anong rason na pwedeng maka-justify sa panggagahasa.

“Paano ninyo mairarason ang mga biktima na mga bata at matanda na hindi naman nakasuot ng sinsabing “sexy na pananamit”?

“Walang pamantayan ng pananamit ang rape at sexual harrasment.

“No. You don’t blame the victim for choosing to be “malandi” in your eyes. For choosing to wear revealing outfits. For choosing to put herself in a dangerous position.For being at the wrong place and time (madilim na lugar at gabi).

“There is no reason whatsoever that can justify a person getting sexually assaulted and no excuse for the assailant to commit the act.

“Blame the person who chose and chooses to rape her,” saad ni Jen.

Sa comments section ay nakipag-diskusyon din si Jen sa mga netizen na binibigyan pa talaga ng katwiran ang mga rapist.

“Kahit anong itsura or pananamit ng biktima, ang manyak ay manyak. Don’t ever justify the act. No reason can justify an assailant sexually assaulting someone. Wala. Wag niyo sila bigyan ng excuse,” ani Jen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?