310

Nov 24, 2017 @ 9:03
By

Matt Nieto: Hindi kami magpapatalo sa La Salle

Dahil sa matamlay na depensa ni Matt Nieto­ sa endgame, muntik nang mabigo ang Ateneo na sumampa sa Finals ng 80th UAAP basketball tourtnament.

Mabuti na lang at nagkaroon ng five-mi­nute extension at nadagit ng Blue Eagles ang 88-84 win kontra FEU sa do-or-die semifinals noong Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.

Abante ng isang puntos ang Blue Eagles 72-71, sinaksakan ni FEU guard Jasper Parker si Nieto at naagaw ng Ta­maraws ang bandera 73-72 may 24.9 segundo na lang sa regulation.

Sumunod na possession, nagmintis si Nieto­ sa potential go-ahead jumper. Nakuha ni Par­ker ang rebound, na-foul at sinalpak ang dalawang free throws.

Tangan ng Tamaraws ang 75-72 lead may 8.5 seconds remaining, nakahirit ng overtime ang Eagles sa malutong na tres ni big man Isaac Go.

Bumawi si Nieto sa OT, pinasan ang Ateneo para itakas ang mahirap na panalo.

“If you look at the game, Jasper Parker­ drove in the lane and it was my fault,” hayag ni Nieto. “Sinasabi ko sa sarili ko, ‘Hindi ito mangyayari. Hindi ako papayag na ganito mangyari sa season.’”

Tabla ang iskor sa 80 may 2:34 sa OT, umiskor ng limang sunod na puntos si Nieto para itulak ang Eagles sa 85-80 bentahe 46 seconds sa orasan.

“We worked really hard. Hindi kami puwedeng matalo,” ani Nieto.

Namuno sa opensa ng mga taga-Katipunan si Thirdy Ravena na nagtala ng 17 points, seven rebounds at four steals, tig-16 markers ang inambag nina Nieto at Ikeh Chiz.

Bukas ang simula ng best-of-three Finals sa pagitan ng defending champion De La Salle at Ateneo sa Pasay venue rin. (Jessa Francisco)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?