179

Aug 1, 2020 @ 17:30
By

Matt Evans arestado sa pagbugbog ng live-in partner

Pinosasan ng mga tauhan ng Manila Police District ,ang aktor na si Matt Evans o Matthew Evans Nicolas sa tunay na buhay, sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 dahil sinaktan ang kanyang dating live-in partner na si Johnelline Hickins.

Ayon sa Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS), dakong alass-11:30 umaga nitong Biyernes nang arestuhin ang aktor sa kaniyang bahay sa Lacson Avenue, sa Sampaloc, Maynila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasig Regional Trial Court (RTC) , Branch 12 ni Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan.

Inirekomenda ng korte ang piyansa na P36,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Evans.

Si Evans ay kasalukuyan na nasa kustodiya ng WSS habang hindi pa nakakapaglagak ng piyansa.

Si Evans na kasal sa negosyanteng si Riza Katrina Evans, ay nagsimulang makilala sa TV reality show na Pinoy Big Brother at naging aktor at naging bida sa teleserye na ‘Da Adventures of Pedro Penduko’, ‘Tanging Yaman’, at ‘Rosalka’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?