84

Dec 22, 2017 @ 13:02

Matt Damon pinasisipa sa ‘Oceans 8’

Lalo pang lumakas ang panawagang tanggalin si Matt Damon sa pelikulang ‘Ocean’s 8’.

Ito’y kasunod ng kanyang komento sa sexual abuse na nangyayari sa entertainment industry.

Sapul nang magkomento siya tungkol sa nasabing isyu, sinumulan ng mga aktibista na magsagawa ng petisyon sa social networking site Care2 para alisin siya sa star-studded pelikulang Ocean’s 8 na pinamumunuan ni Sandra Bullock.

Ang petisyon ay pinarating sa Ocean’s 8 producers na si George Clooney at Steven Soderbergh. Sa ngayon ay may 13,000 signatures na ito.

Naunang nang sinabi ni Damon sa isang interview na may mga nakatrabaho na siyang mga inaakusahan ng sexual assult at mayroon din umanong sexual violence spectrum sa industriya.

Subalit git ng mga petitioners, kawalan ng respeto sa mga kakabahihana ng komentong iyon ni Damon.

“Damon’s inclusion (in the movie) would trivialise the serious nature of the charges against sexual abusers like Harvey Weinstein — a show of massive disrespect for the brave women speaking out,” sabi sa petisyon

“We’re going to have to figure — you know, there’s a difference between, you know, patting someone on the butt and rape or child molestation, right?”

“Both of those behaviours need to be confronted and eradicated without question, but they shouldn’t be conflated, right?”

Naunang inamin ni Damon na alam niyang tinangkang pagsamantalahan ni Weinsten ang actress na si Gwyneth Paltrow, isang dekada na ang

nakakaraan, at nakatrabaho pa rin niya ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?