By

Matrix laban sa mga pari, handang ilabas ni Duterte

Sharing is caring!

Mapipilitan si Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas ang matrix laban sa mga pinatay na pari kung patuloy aniya ang mga opisyal ng simbahan na isisi sa kanya ang pagkamatay ng mga ito.

Sa kanyang talumpati kagabi sa oath taking ng mga bagong promote na opisyal ng uniformed personnel sa Malacañang, sinabi ng Presidente na wala naman siyang sinabi na nag-uudyok para atakehin ang mga pari pero ito ang gustong palabasin ni Bishop Socrates Villegas.

Gusto aniyang palitawin ng mga obispo na siya ang may kasalanan sa pagkamatay ng tatlong pari at ang tingin ng mga ito sa sarili ay santo habang ang mga taga-gobyerno ay mga demonyo.

“Ayaw ko sanang… katoliko ilabas ko yung matrix na …bakit namatay yung pari, pinigil ko na lang. Yang si soc, kung gusto nila di ilabas ko. Si Soc Villegas o si.. ang problema nitong buang na ito, santo lahat sila, eh yang gobyerno o mga sundalo o pulis, demonyo sila,” anang Pangulo.

Sa katunayan ayon sa Presidente ay hindi maganda ang impormasyong nakuha ng mga otoridad sa isa sa mga pinatay na pari kaya hindi nito inilabas dahil hindi aniya maganda para sa mga katoliko.

Pero dahil siya ang tila sinisisi sa magkakasunod na paring namatay, sinabi ng Pangulo na ilalabas niya ang tunay na dahilan, at ito ay dahil sa babae.

“Nabasa ko sa ano: stop prosecuting priests. Wala naman akong sinabi. I did not..yung paring namatay meron kami. May ibinigay sa akin ang police but sinupress ko, kasi hindi maganda para sa katoliko. Eh babae.. pareho kami ng isyu ng pari na yun, babae. Pinigilan ko kasi hindi maganda. But kung magsige sila daldal bitawan ko yan,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?