8,228

Jan 4, 2022 @ 17:47
By

Matitigok pamilya: Pinoy na mahilig magsaya binira ni John Arcilla

Binanatan ni “Heneral Luna” star John Arcilla ang mga Pilipino na mahilig magsaya na aniya’y puwedeng ikamatay ng kanilang pamilya o kapitbahay.

Sa kanyang Twitter account, hindi napigilang mag-react ni Arcilla sa isang video kung saan nag-umpukan ang mga tao at halos magkakadikit na ang mga mukha sa kabila ng banta ng Omicron COVID variant sa bansa.

Sinabi rin niyang maaangal ang mga Pilipino sa lockdown ngunit matitigas naman ang mga ulo.

“OMICRON ALERT. WALA NAMAN BUMABAWAL SATIN NA MAGSAYA. Pero may mga KASAYAHAN na pwedeng ikamatay ng iyong pamilya o kapitbahay. Importante ang MENTAL HEALTH pero anong saysay nito kung MAMAMATAY KA SA VIRUS? ANGAL sa Lockdown PERO ANTIGAS NG ULO NATIN,” tweet ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?