93

Nov 28, 2019 @ 11:22
By

Matira matibay! Anthony, NorthPort pinatalsik ang NLEX sa 3OT

Tatlong mandirigma ni NorthPort coach Pido Jarencio sa pangunguna ng napiling best player of the game Sean Anthony ang mga bumakbak ng twin-twin job upang yanigin ang North Luzon Expressway sa triple overtime, 126-123, Miyerkoles ng gabi sa 44th Philippine Basketball Assciation 2019-2020 Governors’ Cup quarterfinals sa Smart Araneta Coliseum.

Nagbaon si Anthony ng 30 points 11 rebounds bilang mahalagang panukli kina Christian Standhardinger na may 33 markers at 23 boards, at Michael Qualls na may 31 pts. at 21 rebs. para itakda ng No. 8 Batang Pier ang pakikipagrambol sa nag-aabang na no. 4 Barangay Ginebra San Miguel sa semifinals.

Walang bisa ang 43 pts. at 16 rebs. ni Manny Harris sa pagsama ng Road Warriors sa mga naunang nagbakasyon ng Philippine at Commissioner Cups titlist San Miguel Beer, deposed champion Magnolia, Alaska, Rain or Shine, Phoenix at Blackwater.

Ang iskor:

NorthPort 126 – Standhardinger 33, Qualls 31, Anthony 30, Elorde 12, Taha 7, Ferrer 6, Lanete 4, Mercado 3, Cruz 0, King 0.

NLEX 123 – Harris 43, Ravena 22, Quinahan 13, Ighalo 12, Soyud 9, Paniamogan 8, Cruz 6, Taulava 6, Miranda 2, Fonacier 2, Alas 0.

Quarters: 24-27, 43-56, 70-74, 99-99, 116-116, 126-123 (3OT).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?