88

Mar 27, 2020 @ 13:43
By

Matinong tao si Koko, huwag pagpiyestahan – Gordon

Umapela si Senador Richard Gordon sa publiko na intindihin na lang si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III kasunod ng pagsuway nito sa protocol sa gitna ng sitwasyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

“Kilala ko si Koko. Matinong tao ‘yan, hindi salbahe ‘yan, hindi nang-aabuso. Huwag naman nating pagpiyestahan,” pahayag ni Gordon sa panayan sa DZBB.

Sabi ng senador, humingi na naman aniya ng paumanhin si Pimentel at dapat unawain na lang ang kalagayan nito.

“Now is not the time na magsisihan tayo. I think nag-apologize na ‘yung tao. Alam mo, bagong kasal ‘yan at may anak siyang caesarean ang mangyayari,” saad pa ni Gorrodn.

Pero aminado naman si Gordon na talagang nagkamali si Pimentel na nagpositibo sa COVID-19 sa kanyang ginawa.

“Ang daming taong umiikot na mayroong ganyan, hindi lang ho senador ‘yan. Pero dapat talaga nagbigay siya ng magandang halimbawa,” anang senador.

Matatandaan na sinamahan ni Pimentel ang kanyang maybahay na si Kathryna sa Makati Medical Center noong Martes ng gabi habang naghihintay ng resulta ng kanyang COVID-19 test.

Nang malaman na nagpostibo siya matapos tumawag ang RITM ng gabing iyon, agad itong umalis ng ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?