21

By

Matindi ang tama sa kamay! Curry out sa season

Malaki ang tsansa na hindi na muling masilayan sa hardcourt ang Golden State superstar na si Stephen Curry ngayong season.

Ayon sa report ni Ric Bucher ng Bleacher Report, tinitingnan na mas malala ang injury ni Curry sa kamay, na nabali matapos madaganan ni Phoenix Suns center Aron Baynes.

Sumailalim sa surgery si Curry para sa kanyang kaliwang kamay nitong Biyernes, dito unang inanunsyo na talong buwan bago muling i-revaluate ang kanyang status.

“A team source says the fracture was worse than originally thought, and it’s unlikely that he plays again this season,” ayon kay Bucher.

Samantala, si D’Angelo Russell ang sasandigan ngayon ng Warriors, na umiskor ng 52 points sa kanilang pagkatalo kontra Minnesota Timberwolves, 125-119.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?