267

Nov 30, 2017 @ 11:19
By

Matigas! Bato ayaw mag-sorry sa Reuters

Nanindigan si Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi niya kailangang humingi ng paumanhin sa international news agency na Reuters.

Ito ay kasunod nang naunang niyang pahayag laban sa Reuters na itinaon umano nito ang paglalabas ng balita partikular ang nangyaring anti-illegal drugs operation sa Maynila na ikinasawi ng apat na drug suspects sa plano ng pangulong rodrigo duterte na ibalik sa kanila ang pangunguna sa war on drugs.

Paliwanag ni Dela Rosa, kapag alam niyang mag pagkakamali sya mabilis syang humingi ng paumahin.

Pero sa isyung ito aniya wala syang sinabing kakutsaba ng mga druglords ang reuters taliwas sa official statement ng National Union of Journalist of the Philippines na isinasangkot ni Dela Rosa ang reuters sa mga druglords kaya dapat itong magsorry.

“Ako talaga you have seen me a couple of times nagsosorry, maraming beses na ako nagsorry diyan sa publiko a nung mali na ginawa ko pero ito ngayon my God hindi ko po sinabi na ang Reuters ay kakutsaba sa mga drug lords, wala akong sinabing ganun kaya paano naman ako mag apologize” sinabi ni Dela Rosa.

Sa kasalukuyan aniya ay pinaiimbestigahan nya na ang ginawang drug operation sa Maynila sa PNP Internal affairs service upang matukoy kung may pagkakamali ang mga pulis, kung meron aniya hindi nila ito kukunsintihin. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?