15

By

Matibay na andas gagamatin sa prusisyon ng Black Nazarene

Sharing is caring!

Tiniyak gayon ng Quiapo Church na matibay ang andas na gagamitin sa prusisyon ng Poong Itim na Nazareno sa araw ng Traslacion sa Martes, ika-siyam ng Enero.

Ayon kay Father Ricardo Valencia, mga gulong na ng forklift ang gagamitin sa andas para matiyak ang structural integrity nito.

Sakali namang bumigay ang mga gulong ng forklift, uusad pa rin aniya ang andas dahil may anim na bearing na magpapagulong dito.

Matatandaan na nuong 2012, bumigay ang dalawang gulong ng andas na isa sa naging dahilan ng mabagal na pag-usad ng prusisyon nuon na umabot ng 22 oras. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?