11
abante-tnt-vismin-bomb
By

Materyales sa paggawa ng bomba, narekober ng militar sa Capiz

Sharing is caring!

Nakuha ng mga militar ang hinihinalang inabandonang mga kagamitan at materyales sa paggawa ng improvised explosive device (IED) sa isang bahay sa Barangay Putian, Cuartero, Capiz, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Lt. Col. Sisenando Magbalot Jr., commander ng 61st Infantry Battalion, posibleng iniwan ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang kanilang mga kagamitan nang makatunog sa paparating na tropa ng mga militar.

Nakumpiska ang 13 backpacks na naglalaman ng personal belongings, medical kit, bandila, subersibong mga dokumento at materyales sa paggawa ng IED.

Dagdag pa ni Magbalot, gagamitin ng mga rebelde ang landmine sa lugar na dinaraanan ng mga sundalo na nagsasagawa ng community support program.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang pamunuan ng 61st Infantry Battalion na bukas pa rin ang pinto ng pamahalaan sa sinuman na nagnanais na magbalik-loob sa pamahalaan at magbagong-buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?