By

Matataas na opisyal ng gobyerno, lagapak sa latest SWS survey

Sharing is caring!

Kapwa bumagsak ang net satisfaction rating nina Vice President Leni Robredo at Senate President Aquilino Pimentel III sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa March 2018 survey ng SWS, nakakuha si Robredo ng net satisfaction rating na +34, mas mababa sa +42 na naitala nito noong December 2017.

Samantala, nakakuha naman si Pimentel +41 net satisfaction rating, 8 puntos na mas mababa sa personal record-high nito na +49 noong nakaraang Disyembre.

Sa kabila ng pagdausdos, napanatili ng dalawa ang “good” net satisfaction rating.

Malaki naman ang binulusok ng satisfaction rating nina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Kapwa bumagsak ng 13 points sa latest survey sina Sereno at Alvarez at parehong nagtala ng mga bagong record personal low.

Si Alvarez ay nakakuha ng net satisfaction rating na +1, mas mababa sa +14 na nakuha nito noong December 2017.

Samantala, bumagsak ang rating ni Sereno sa pinakamababa nito na -7 mula sa +6 noong disyembre.

Ang survey ay ginawa mula March 23-27, 2018 gamit ang face-to-face interview sa 1,200 adults sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?