117

By

Matataas na kalibre ng baril at bala nasamsam sa Cavite

Iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril at mga bala ang nasabat ng Cavite Police sa ikinasang search warrant laban sa dalawang lalaking nagtatago ng armas, Huwebes ng gabi sa General Trias, Cavite.

Nakilala ang mga suspek na sina Jaime Tuando Petilos, 50-anyos, residente ng Tropical Village Pabahay, Barangay San Francisco at Jaime Presa Laurencio, 46-anyos, ng St. Francis Subdivision, Barangay San Juan 1, Gen. Trias.

Nakumpiska mula kay Petilos ang isang cal. 45 Rock Island Armory, cal. 45 Armscor, 23 cal. 45 live ammunition, Rock Island Armory Shotgun, Karatay shotgun, eight live shotgun shells, at Plainfield machine M1-carbine, at eight cal. 30 live ammunition habang kay Laurencio naman ay isang cal .38 Bersa Thunder at 12 live ammunitions para sa cal.38.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Gen. Trias Police detention facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,