48

Jul 15, 2021 @ 10:53
By

Matapos turukan tatay ng 4 beses: Zamora kontra sa booster shot

Nanawagan si San Juan City Mayor Francis Zamora sa publiko na huwag munang magpaturok ng booster shot para sa COVID-19 vaccine.

Ito’y sa kabila ng pag-amin ng kanyang tatay na si San Juan City Rep. Ronaldo Zamora, na nabakunahan na ito ng apat na beses, tig-dalawang dose ng Sinopharm at Pfizer vaccine.

Ayon sa alkalde, dapat sundin ng publiko ang Inter-Agency Task Force (IATF) na hindi pa pinapayagan ang pagpapaturok ng booster shot.

“Huwag natin gagawin ‘yun kung hindi pa pinapayagan ng IATF,” saad ni Zamora.

Aniya pa, kung nalaman niya agad na magpapaturok ng booster shot ang kanyang ama ay nakonsulta niya sana ang IATF.

“What I would have done, ipapaalam ko sa IATF ngunit nalaman lang namin nung natapos na,” paliwanag pa ng alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?