52
Boracay pasok sa Top 10 best beaches sa Asya
Sep 27, 2019 @ 21:20
By

Matapos mamatay ang 8 miyembro: Dragon boat sa Bora, pinagbawal

Pansamantalang ipinagbawal ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pagsasagawa ng mga dragon boat race activity sa Boracay matapos maganap ang trahedya na ikinasawi ng walong miyembro ng local-based dragon boat group.

Ayon kay Cimatu na siya ring namumuno sa Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF), bawal muna ang mga naturang aktibidad sa isla habang pinag-aaralan pa ang mga ipatutupad na patakaran tungkol dito.

Nabatid na sa darating na Setyembre 30, magkikita-kita ang mga ahensiya na kasama sa emergency rescue at response upang magkaroon ng comprehensive assessment ng protocols, logistics at resources at makabuo ng rekomendasyon na magpupuno sa mga kakulangan na siyang aaprubahan ng BIATF.

Magugunitang Setyembre 25, tumaob ang sinasakyang bangka ng Boracay Dragon Force na naging dahilan ng pagkamatay ng walo sa mga miyembro nito habang nagsasanay ang grupo para sa kanilang sasalihang international competition sa Taiwan.

Sa ulat, tumaob ang ginagamit na bangka ng mga biktima matapos itong tamaan ng malaking alon dulot ng malakas na hangin bago pa man makarating ang mga ito sa Tulubhan Beach sa Barangay Manocmanoc.

Hindi nakasuot ng life vests ang mga miyembro ng Boracay Dragon Force habang ang isa sa mga ito ay hindi marunong lumangoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?