190

Nov 20, 2019 @ 18:34
By

Matapos makipagsuntukan: Wells umalis na sa ‘Pinas

Tuluyan nang binitawan ng San Miguel Beermen at nag-alsabalutan na ang kanilang import na si Dez Wells kasunod ng pakikipag-away nito sa praktis ng koponan noong nakaraang linggo.

Ayon sa report ng Spin.ph, Martes ng gabi ay lumipad na paalis ng bansa si Wells, na naging kontrobersyal dahil sa napaulat na pakikipagsuntukan nito kina Ronald Tubid at Arwind Santos, at kinampihan pa ni Kelly Nabong.

Sa inilabas na statement ng San Miguel team kung saan sinuspende sina Santos, Nabong at Tubid, hindi nakasama ang pangalan ni Wells na posibleng dahil nakalabas na pala ito ng bansa.

Matatandaan na hindi na naglaro si Wells sa naging laban ng SMB kontra Meralco, at tinapik na ang replacement import na si John Holland.

Nag-average si Wells ng 37.13 points, 7.88 rebounds at 4.75 assists sa walong laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?