48

Apr 27, 2020 @ 14:42
By

Matapos mailibing si Ragos: War shock program rerebyuhin ng PH Army

Pinag-utos ni Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay ang pag-aaral muli sa mga polisiya at programa para sa mga sundalo na na-trauma sa giyera.

Ito’y matapos maihimlay si dating Army Cpl. Winston Ragos sa Libingan ng mga Bayani noong Linggo, Abril 26.

Sa panayam kay Army spokesperson Col. Ramon Zagala sa DZBB, naglabas ng kautusan si Gapay dahil kay Ragos, na nagkaroon ng post-traumatic stress disorder sa pitong taon niyang pagseserbisyo sa Army.

Namatay si Ragos matapos siyang barilin ni Police Master Sergeant Daniel Florendo Jr., dahil sa diumano’y paglabag sa quarantine sa Barangay Pasong Putik sa Quezon City noong Abril 21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?