101

By

Matapos magtampuhan, Popovich, Leonard nagyakapan

Matapos makatanggap ng boos at nasigawan pang traydor, dinepensa ni San Antonio Spurs head coach Gregg Popovich ang kanyang dating alaga na ngayo’y nasa Toronto Raptors na, si Kawhi Leonard.

Hindi man naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa, nagkaroon ng ‘di pagkakaintindihan matapos sabihin ni Pop (palayaw ni Popovich) na wala umanong leadership quality si Leonard, nagkaroon ng magandang pagtatapos ang kanilang unang paghaharap bilang magkalaban.

Sa panalo ng San Antonio kontra sa Toronto, 125-107, nagbisig ang dalawa na tila sinasariwa ang naging pagsasama ng pitong taon.

At nang marinig ni Pop ang mga boos ng Spurs fan, hindi nito itinago ang pagkadismaya sa mga ito, sinabing karapatan ni Kawhi ang mamili ng koponang paglalaruan.

Maliban pa kay Popovich, lumapit din si Leonard sa kanyang dating shooting coach na si Chip Engelland, pati sa mga dating kakampi.

Nang maitanong naman si Kawhi tungkol sa natanggap na boos, hindi umano niya ito ininda at pinabayaan na lang.

“[The] media does a great job to stir people’s minds and influence them to think a certain way,” saad ni Leonard. “So I already knew how that was going to be, the way the media was.”

Tumapos si Leonard ng 21 points, limang assists at isang rebounds, ngunit napanatili pa rin ang kapit sa second spot sa East na may 28-12 baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?