0

Jul 15, 2020 @ 12:39
By

Matapos magpositibo ni Villar, swab test result hinihintay ni Roque

Hinihintay ni Presidential Spokesman Harry Roque ang resulta ng kanyang COVID-19 swab test ngayong Miyerkules.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 test si Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

Sinabi ni Roque na nakasama niya si Villar sa isang aktibidad noong Biyernes at wala sa hinagap nito na positibo ang kalim sa COVID-19.

Nitong Martes lamang aniya siya nagpa-swab test sa pamamagitan ng drive through test at malalaman ngayong Miyerkules ang resulta nito.

“I was with him last Friday for contract signing and ground breaking of Cavitex segments 2 and 3. Fortunately, had a drive through swab yesterday and awaiting result today,” ani Roque.

Sumasailalim naman ngayon sa self-quarantine si Defense Secretary Delfin Lorenzana habang maghihintay ng resulta ng kanyang swab test matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa nitong staff na si Col. Rolly Nerona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?