59
albert-martinez
By

Matapos maging heneral: Albert Martinez balik-Mondragon

Muling magbabalik ang aktor na si Albert Martinez sa palabas na “Kadenang Ginto” pagkatapos magwakas ng pinagbidahan nitong teleseryeng “The General’s Daughter.”

Sa Twitter, pinaskil ni Kadenang Ginto director Jojo Saguin ang teaser kung saan makikita ang nakalubog sa tubig na si Robert Mondragon.

Sumabog kasi ang sinasakyan nitong chopper sa huling episode na kinabilangan nito upang magbigay-daan sa siyam na buwan niyang pagganap bilang General Tiago Guerrero sa The General’s Daughter.

Ngayong nagtapos na ang “The General’s Daughter,” inabangan ang pagbabalik ni Martinez sa panghapong teleserye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?