69

Oct 8, 2019 @ 14:04
By

Matapos mag-viral: Tambay na opera singer nagkaroon ng trabaho

Isang viral video lang ang kinailangan para magkatotoo ang mithi ng isang babaeng opera singer: magkaroon ng permanenteng tirahan.

Setyembre 27, 2019 nang i-post ng isang pulis sa Los Angeles ang video ni trained violinist Emily Zamourka na habang bitbit ang kanyang mga gamit ay kumakanta sa isang hintayan ng tren.

Isang linggo matapos, nagtatanghal na ito sa Historic Little Italy at kumita nang $700. Lumikom din ng pera para kay Zamourka ang isang homeless charity, at inimbitahan umano siyang makatrabaho ng isang Grammy-winning producer.

Ayon sa CNN, tatlong taon nang walang tirahan at kumakanta si Zamourka sa lansangan. Galing itong Russia at nagbakasakaling giginhawa ang buhay sa Amerika, subalit nagkasakit ito at ninakawan pa ng kanyang violin, kaya sa kalsada na nanirahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?