505

By

Matapos ma-injure: Thompson nagsaklay, mga NBA star nag-react

Kinailangang magsaklay ni Klay Thompson matapos mapuruhan ang kanyang hamstring sa third quarter ng Game 6 Finals series ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Si Thompson ang top scorer ng GSW bago ma-injure, 2:22 sa laro ay sumubok dumakdak ngunit mali ang naging landing at tumiklop ang kaliwang binti dahilan para dalhin sa dugout.

Nilabas sa dugout ngunit ilang sandali lang ay bumalik ulit para itira ang mga free throw, gusto pang maglaro sana ngunit minabuti ng GSW na pagpahingahin na ito sa kabuuan ng laban para hindi lumala ang injury.

30 points ang ginawa ni Klay, nawala sa Warriors ang offensive threat ng kalahati ng Splash Brothers.

So social media, ilang NBA player ang ipinaabot ang pagsuporta kay Thompson dahil sa natamong injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?